A Scanner Darkly
Determine the Literary Devices
"Ang Nag-iisa" ni Juan Miguel Severo
Noong unang panahon, noong ang mga bituin ay alitaptap pa lang sa bukid, ang araw ay namumuhay sa pagitan ng mga bundok, at ang buwan ay dalagang lagalag sa gubat, minsang tumingala ang Nag-iisa sa langit, umawit ng isang hiling kay Bathala: Baguhin Ninyo ako.
Tanggalin ang kadena sa aking mga kamay, bato sa aking mga paa; bigyan Ninyo ako ng gabing
hindi kasing dilim, ng umagang hindi kasing ginaw At sinagot siya ni Bathala: Ibibigay ko sa'yo ang iyong hiling kung tatanggapin mo ang alok
kong sugal
Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na Ilog ng Lungkot, kalaban ang pinakamatinding
Alon ng Pighati at hindi ka dapat lumubog Kaya't ang Nag-iisa ay lumusong sa tubig
Sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga
Lumangoy patungo sa Dalampasigan ng Saya At nang umahon siya mula sa kanyang sugal, kasama niyang umahon ang Pag-ibig - ang
pagmamahal
Sa unang pagkakataon, ang Nag-iisa ay naging Nagmamahal,
Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol, parang at kapatagan; maligaya at may pangako ng
walang hanggan...
Pero nagbago ang anyo ng Pag-ibig.
Naging pagod, galit, sinungaling, at mapagkimkim Muling bumigat ang kamay at paa ng nagmamahal
Kasabay nito ay ang pagdating ng isang malaking unos na nilunod ang lupa sa baha At sa gitna ng malakas na ulan ay hindi na matukoy ang mga nasira at nawala
Nang humupa na ang sigwa, kabilang ang puso sa nasalanta, kasama ang Pag-ibig sa nawala.
Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa
Pero pagkatapos ng maraming gabing kay dilim at umagang kay ginaw, sa wakas, muling
napangiti siya!
Tinawag muli si Bathala, lulusong muli sa tubig, susugal at susugal pa!
Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit para sa pagmamahal? Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?